Kung nanonood ka lagi ng telebisyon, tiyak na nakita mo na ang commercial ni Kuya Win.

Pero sino ba talaga siya?

Siya si Sherwin T. Gatchalian, 41. Isang Pilipinong lingkod-bayan na 15 taon ng nagsusulong ng karapatan ng bawat isa sa de kalidad na edukasyon.

Nagtapos siya sa kursong Bachelor of Science Major in Finance and Operations Management sa kilalang Boston University at walong taong humawak sa ilang malalaking kumpanya sa bansa, gaya ng Waterfront Philippines at Air Philippines.

Sa larangan ng serbisyo publiko, siya ang naging pinakabatang kongresista sa Kamara at naging bantog siya dahil sa pagpapaunlad niya sa lungsod ng Valenzuela sa siyam na taon niyang panunungkulan bilang alkalde.

Nagsimula ang kanyang laban para sa pagbabago ng minsan siyang mangarap na magkaroon ng tunay na reporma sa ating pamahalaan. Sawa na daw kasi siya sa kurap at mabagal na pamamalakad sa gobyerno na kanyang nakita noong negosyante pa siya.

Kaya naman isinakatuparan niya ang mithiing ito nang pumasok siya sa serbisyo publiko. Sa taon 2001-2004, nanilbihan siya bilang kongresista sa unang distrito ng Valenzuela City.

Sa kanyang unang termino bilang mambabatas, naghain siya ng mga batas na makatutulong sa edukasyon at mga overseas Filipino worker (OFW). Isinulong din niya na magkaroon ng mga anti-illegal recruitment center at drug rehabilitation center sa bawat distrito.

Siyam na taon bilang alkalde

Nakita ng tao ang kanyang integridad at mabuting pamumuno bilang lingkod-bayan kaya naman muli pinagkatiwalaan at inihalal na maging mayor ng lungsod ng Valenzuela sa tatlong magkakasunod na termino, mula 2004 hanggang 2013.

Tunay na nabago ang natunghayan ng mga residente ng lungsod ng Valenzuela sa kanyang pamumuno bilang alkalde kung saan pangunahin niyang pinagtuunan ng pansin ang edukasyon.

Umabot sa 731 classroom ang kanyang naipatayo. Ginawa din niyang libre din ang mga school supply, libro at mga module para sa mga public school sa Valenzuela City.

Sa kanyang pamumuno noong 2012 sinimulan niya ang pinakaunang city-wide feeding program sa buong Pilipinas na tinawag niyang K to 6 In-school Feeding Program kung saan umaabot ng 16,000 ang nabibigyan ng libreng pananghalian tuwing may pasok.

Ito ang dahilan kung bakit nanguna ang lungsod sa National Achievement Test (NAT) noong 2010-2011 sa buong National Capital Region.

Mabuting pamamahala din ang kanyang ipinamalas sa pagtatag ng Simple, Speed, Service o 3S in Public Service program na siyang naging kanyang plataporma upang pabilisin ang pagpapaabot ang serbisyo at labanan sa mga kurap at tiwali sa lungsod ng Valenzuela.

Ang konsepto ng 3S ang naging susi upang maging high-tech ang mga transaksyon sa lokal na pamahalaan ng Valenzuela City. Tuluyan nitong nasugpo ang red tape at mga fixer sa lokalidad.

Umabot din 136 kawani sa lungsod ng Valenzuela ang nasampahan ng kasong administratibo sa termino ni Kuya Win kung saan 43 ang nasibak sa pwesto.

Mahigit din 146,184 mangagawa ang natulungan din makakuha ng trabaho ni Kuya Win sa mula 2005-2012 sa pamamagitan ng kanyang mga programa sa City Public Employment Services Offices (PESO).

Ito ang dahilan kung bakit inulan ng parangal ang lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Kuya Win. Kabilang dito ang Galing Pook award noong 2012 at Most Business-Friendly Highly Urbanized Local Government Unit sa parehas na taon.

Personal ding siyang kinilala sa kanyang mabuting pamumuno. Pinarangalan siya bilang bilang Best Mayor in CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) noong 2008 at itinanghal din na isa sa Philippines’ Ten Outstanding Young Men (TOYM) Honoree for Public Service in 2010.

Beteranong mambabatas

Sa tulong ng kanyang karanasan bilang alkalde, mas naging aktibo ang progresibo si Kuya Win sa Kongreso sa pagsusulong ng mga reporma sa edukasyon.

Mahigit 121 panukalang batas at resolusyon simula ng kanyang pagbabalik bilang kinatawan ng unang distrito ng Valenzuela City noong 2013.

Pangunahing isinusulong niya ngayon ang House Bill No. 5095 o “Free Higher Education Act” na layong gawing libreng ang tuition ng bawat estuyante sa mga state university and college (SUC).

Bagamat nagkaroon si Kuya Win ng mahigit sa 58,000 college scholars, naniniwala siya na marami pa ang magagawa ng ating pamahalaan upang gawing accessible ang pag-aaral para sa mga gustong pumasok sa kolehiyo.

Bukod pa sa “Free Higher Education Act”, ipinaglalaban niya din na magkaroon ng feeding program gaya ng K to 6 In-School Feeding Program na matagumpay niyang naipatupad sa Valenzuela City.

Gusto din niyang itaas ang sahod ng mga guro sa P32,000 mula kulang-kulang P18,000 sa paghain ng HB 5731. Nais din niyang makapag-aral ulit ang guro sa kanyang HB 4758 o ang “Continuing Education for Teachers Act” para ma-upgrade ang kanilang ituturo sa paaralan.

Siya din ang pangunahing may-akda ng apat na panukalang batas na aprubado na sa huling pagbasa sa Kamara.

Ito ay ang HB 2624 o “SIM Card Registration Act” o HB 5760 o “Anti-Hazing Act”. Kasama rin dito ang HB 4990 o “Overseas Workers Welfare Administration Charter”  at ang HB 5206 o “Sharks and Ray Conservation Act”.

Si Kuya Win din ang utak sa likod ng HB 5098 or the “Proof of Parking Space Act” kung saan gusto niyang solusyonan ang lumalalang trapiko sa pamamagitan ng tatakda sa lahat ng bibili ng sasakyan na magkaroon muna ng sariling paradahan para hindi nakaharang sa kalsada ang kanilang bibilhin na kotse.

Ang kanyang pinag-aralan, mga makabagong ideya at samu’t saring nagawa ang mga dahilan kung bakit karapatdapat ihalal si Kuya Win sa mas mataas na posisyon sa pamahalaan.

Tiyak na magiging mas maunlad ang ating bayan kung mga katulad niya na subok na ang mabibigyan ng pagkakataon na bumuo ng mga batas at magsulong ng mga reporma sa Senado.

Advertisements