Una nating nakita ang hashtag na #MrRightSaSenado sa mga post sa social media patungkol kay Kuya Win Gatchalian. Pero alam niyo ba kung bakit si Kuya Win ang ating #MrRightSaSenado?

1. Naniniwala sa pagbabago.

Nang umupo bilang mayor si Kuya Win noong 2004, nakita niya na maraming bagay ang dapat baguhin sa Valenzuela City. Bukod sa pamamalakad, kailangan ding magsagawa ng mga ordinasa na makakatulong upang mapaunlad at mapaayos ang lungsod.

2. Leadership by example.

Hindi siya ang tipo ng leader na gagawa ng rules at regulations na siya pa mismo ang babali. Isang halimbawa na lang ay ang pagsusuot ng complete uniform ng mga empleyado ng city hall. Upang mapakita sa kanyang mga nasasakupan na seryoso siya sa kanyang ipinanukala, siya mismo, bilang mayor ay pumapasok suot ang kanyang office attire at ang ID. Saan ka nakakita ng mayor na naka-ID? Tanging sa Valenzuela City lang.

3. Authors bills that will benefit more people.

Sa kanyang dalawang termino bilang First District Representative ng Valenzuela City, marami ng inakdang House Bills si Kuya Win. Ilan dito ang Servando Act patungkol sa hazing, SIM Card Registration Act, Proof of Parking Space Act at ang kanyang isinusulong na Free Higher Education Act. Ang paggawa ni Kuya Win ng mga House Bills ay hindi para sa isang sector lamang kundi para sa kalahatan.

4. Results oriented.

Di naman natatapos sa pagpapasa ng batas at pamimigay ng tulong ang trabaho ng isang kongresista. Dapat rin nilang isinasagawa ang mga tulong na sinasabi o pinapangako nila sa kanilang mga constituent. Ano ang halaga ng isang pangako kung ito ay hindi matutupad? Si Kuya Win, sinisigurado niya na ang mga ipinangako niyang tulong ay maibibigay at maipapatupad tulad ng tulong sa mga batang may bingot, clubfoot, mga babaeng may myoma, mga may goiter, mga estudyanteng kailangan ng scholarship at assistance sa pag-aaral, at mga small and medium business owners na nagnanais mapalago ang kabuhayan.

5. Idol ng mga kabataan.

Kahit saan magpunta si Kuya Win, talo pa ng spectators ang nakakita ng matinee idol, bakit? Dahil bukod sa mga hiyawan eh halos lahat nagpapapicture sa kanya. Hindi naman ito dahil lang sa gwapo ang ating Mr. Right sa Senado pero dahil iniidolo siya ng mga kabataan dahil sa kanyang mga nagawa para sa Valenzuela City lalong-lalo na sa larangan ng edukasyon. Gustong-gusto rin ng mga kabataan ang kanyang heads on na pagsagot sa mga isyu at ang kanyang always ready to mingle na aura. Noong nasa UP nga kami para sa The Rundown 2016, tanging si Kuya Win lamang ang bumaba at nakihalubilo sa mga audience.

Yan ang dapat nating iluklok sa Senado, isang taong iniisip ang kapakanan ng nakararami, grounded, results oriented at handa sa pagbabago. Kuya Win, makakaasa ka na kami ay kasama mo mula sa pagpapakilala, pangangampanya at hanggang sa pagtupad mo ng iyong mga programa kapag ikaw ay nasa Senado na.

Go Kuya Win!

Advertisements