win gatchalian for senator
Lumibot po ang mga Win Gatchalian supporter sa Cavite upang ipakilala at ipaalam sa mga Caviteno kung bakit si Win Gatchalian ang ating Mr. Right sa Senado.

The summer heat is on and so is the campaign for National and Local elections. With only three weeks left before elections kailangan na nating mag-full blast ng kampanya para mailuklok natin sa Senado si Kuya Win Gatchalian.

Dahil busy sa trabaho, di ako basta-basta makasama pero noong April 16 and 17 nakasama ako kasi nagpaalam na ako sa mga boss ko. And when they learned that I will be volunteering for Kuya Win, they gave me permission na mag-leave (kasi I still have work on weekends).

Mainit ang panahon kahit nga nakapag-sunblock ako pakiramdam ko para akong nililitson. Pero lahat yun ay balewala kasi mas matindi pa sa init ng panahon ang init ng pagtanggap sa amin ng mga tao.

win gatchalian for senator
Pumunta rin kami sa Divisoria upang maipaabot din sa kanila kung bakit gusto nating may Win Gatchalian sa Senado.

We scoured Manila early on kasi nga natatakot kaming maheat stroke pero di pa kami nagtatagal ubos na ang mga materials namin. In an hour ubos na ang supplies namin at di pa namin nalilibot ang buong Divisoria area!

Akala namin whole day kami mag-iikot pero before lunch tapos na kami kaya nakapagprepare pa kami para sa ikot the following day.

win gatchalian for senator
Win Gatchalian supporters invade Cavite.

Sa Cavite, dinumog kami ng mga tao! Hindi na nga ako masyado makapagpicture kasi sila na mismo ang nanghihingi dahil ikakampanya rin daw nila si Kuya Win. Saan ka pa? Hitting two birds with one stone.

Nang ubos na ang mga materials ko, nag-ikot ako para magtanong-tanong kung bakit nila isasama sa kanilang balota si Kuya Win. Ang sagot nila, “Marami siyang natulungan”, “Gusto namin ng pagbabago”, “Maganda ang advocacy niya para sa education”, etc. kaya pala di kami nahirapan sa pangangampanya.

Bukod dito, nakakatuwa ring kasama ang iba pang volunteers. Sabi nila kahit isang buwan na silang tuloy-tuloy sa pangangampanya eh ok lang daw kasi lahat daw ng ito ay for the betterment of our society. Lahat kami ang goal ay mailuklok sa Senado ang ating Mr. Right.

We need change and we should work for it. At isang step na ang pagluluklok sa Senado kay Kuya Win kaya sa May 9, 2016 wag nating kalimutan ang 17 sa balota.

Advertisements