11218203_1709037852701556_8585701881191702256_n

Call it destiny or fate basta masaya ako na isa ako sa mga na-invite sa birthday ni Kuya Win Gatchalian!

Yes, you read it right, I was among the invitees. Ang daming activities kasi I was able to chance up sa programme na hawak ng emcees. Pero unlike other birthday celebrations na napuntahan ko, ang birthday ni Kuya Win ay sinimulan with a thanksgiving celebration. May pastors and leaders of Christian congregations na dumalo.

Nagpasalamat sila sa mga biyaya na ibinigay kay Kuya Win at humiling ng gabay para sa kanyang pagkapanalo sa Senado sa dadating na eleksyon. Nakakatuwa dahil sabay-sabay silang nagdasal para gabayan si Kuya Win.

Pagkatapos nito, nagkaroon rin ng bloodletting drive dahil si Kuya Win pala ay isang Philippine Red Cross governor at mahigit 15 taon na rin siyang nagdo-donate ng dugo tuwing birthday niya. Nagsimula siya magdonate ng dugo bago pa man siya pumasok sa politika. Magdo-donate rin sana ako kaso hindi raw pwede magdonate ang mga mababa pa sa 6 oras ang itinulog. Siguro sa susunod na lang ako magdo-donate. In total, naka 115 blood units sila, not bad kasi ang sabi sa akin 145 ang nagparegister.

12924381_1709038019368206_392656618885408858_n

Noong araw na rin na iyon ang launch ng Win Gatchalian for Senator Movement, ito ang national volunteers’ group ni Kuya Win. Syempre kasama ako dun. Nakakatuwa kasi 250 volunteer leaders ang dumalo sa launch at nangakong tutulong sa kampanya para mailuklok sa senado si Kuya Win. May mga nakausap pa nga ako from Saranggani, Laguna, Paranaque, Quezon City, Nueva Ecija, Quezon Province, Baler at iba pa. Para kaming isang malaking pamilya na nagkita-kita at nagpaplano ng isang lakad kung saan ang goal namin ay maging senador si Kuya Win.

Di ko maexplain pero ang taas ng energy level ko ng araw na iyon, kaya sumama pa ako sa TXT BLASTING activity kung saan iba’t ibang tao ang sabay-sabay na nagtext sa mga kakilala nila na iboto si Kuya Win. Nasa 1,200 naman daw ang nagregister dun. Ang amphitheater ng Valenzuela City People’s Park ay napuno ng mga supporters ni Kuya Win. Talo pa nga ang may isang artista dumating kasi talagang dinumog ang ating future senator!

Napaka-warm ng pagtanggap sa amin ni Kuya Win, hindi namin akalain na hahayaan niya kaming magstay sa celebration niya hanggang dinner. Noong dinner, mas maraming tao ang dumalo sa birthday ng ating Mr. Right. Ramdam mo na mahal na mahal siya ng kanyang pamilya, kaibigan, at constituents. Kaya sobrang na-touch kami ng magpasalamat sa amin si Kuya Win.

Pero ang totoo, kami ang gustong magpasalamat sa kanya kasi binigyan niya ng pag-asa na magkaroon ng pagbabago sa ating bansa. Binigyan niya ng pagkakataon na magkaroon ng mas magandang kinabukasan ang mga susunod na henerasyon, na di na nating kailangang magtiis sa lumang sistema dahil posible ang pagbabago.

Kuya Win, happy birthday! Lagi kaming nakagabay sayo sa bawat hakbang mo patungong senado.

Advertisements