Pinakamarangal na magagawa ayon sa isang mambabatas ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Jose Angel Honrado sa gitna ng mga nakakabanas na eksena ng kapalpakan sa paliparan ay mag-alsa balutan na ito at tuluyan nang bakantehin ang kanyang puwesto.

Ayon kay Nationalist People’s Coalition (NPC) senatorial candidate at Valenzuela City Cong. Sherwin Gatchalian, ang pagmamando sa premier airport ay hindi basta idi­nadaan lamang sa ala-tsamba o ipinauubaya sa buwenas at kamalasan.

“Honrado should do the honorable thing: resign,” sabi ni Gatchalian.

“Resign or really do your job. President Aquino is not your only boss, it is the millions of Filipino taxpayers who are the real bosses of this government. From NAIA’s being tagged as the world’s worst airport to the countless delays and cancellations of flights and the lag­lag-bala fiasco, the Filipino people have had enough,” dagdag nito.

Binatikos ni Gatcha­lian ang komento ni Honrado na minalas lamang sila sa nangyaring ilang oras na brownout sa NAIA Terminal 3 noong nakaraang Sabado na pinalala pa ng hindi gumaganang gene­rator sets.

“There are millions of lives counting on airport management to not just do their jobs but to also keep them safe. More than just the hazards in runways, airport management now has to protect passengers from terror attacks, in cooperation with other state agencies,” giit ni Gatchalian.

Sa kabila ng mga pana­wagan ng iba’t ibang grupo at personalidad para sa resignation ni Honrado ay patuloy itong nagmamatigas at nanindigang hindi sisibat sa puwesto.

 

Source: http://www.abante-tonite.com/issue/apr0816/news_story09.htm#.Vwr10kcRXDc

Advertisements