Marami siguro ang nagtatanong sa akin kung bakit ko susuportahan si Kuya Win Gatchalian, bakit hindi? Handa na ang bansa natin sa isang makabagong uri ng politiko — hindi yung puro salita kundi may “leadership by example”.

I used to work in an NGO (non government organization), siyempre kapag sa NGO ka nagtratrabaho ang main goal niyo ay makatulong. Nakatutok kayo sa mga pangangailangan ng mga biktima ng calamities. After ka sa welfare nila, sa goodness ng greater good, ika  nga. Kaya nang makahalubilo ko si Kuya Win, napaisip ako, paano kaya trumabaho ang isang politiko?

Iba, ibang-iba si Kuya Win sa mga nakasalamuha kong politiko. Result-oriented siyang tao, gawin kung ano at kailangang gawin. Ang pagtulong niya ay galing sa puso at hindi dahil kailangan niya ng boto. Para sa kanya ang posisyon niya sa gobyerno ay hindi isang privilege kundi isang oportunidad para makatulong sa mas nakararami.

Oo, minsan kailangan din siyang ituring na espesyal dahil siya ay isang kongresista pero isa siguro siya sa mga politiko na nakita kong ready sa kahit na ano, (wag lang daw ang pagsasayaw), ayaw niya kasing mabansagan na isang elitista. Ready siya sa pakikipag-usap sa mga tao, go lang siya kapag may gustong magpapicture.

Noong minsan ngang makasabay namin siya sa isang event, halos 30 minutes na ang nakalipas eh marami pa rin at go pa rin si Kuya Win sa pagpapapicture. Hindi mababakas ang pagod at pagkairita sa kanya, enjoy na enjoy pa nga siya sa pakikisalamuha sa mga tao.

Oo, isa nga lang ako sa mga supporter ni Kuya Win pero isa akong patunay na hindi siya trapo at hindi niya uunahin ang sarili kundi ang kapakanan ng mas nakararami dahil para kay Kuya Win, ang pag-unlad ng bayan ay makakamtan kung mismong ang mga namumuno ay sumusunod sa mga patakarang kanilang ipinapatupad.

Para sa’yo, sino ba si Kuya Win Gatchalian?

Advertisements