Ipupursige ni Nationalist People’s Coalition (NPC) senatorial bet Sherwin Gatchalian ang pagsasapri­bado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at pagsakop ng Anti-Money Laundering Act (AMLA) sa mga casino.

Ipinagtataka ng kongresista mula sa lungsod ng Valenzuela kung paano naging operator at regulator ang PAGCOR ng mga casino.

Talagang mababatbat, aniya, ng anomalya ang tanggapan sa ganitong diskarte ng kalakaran.

“This is not only an issue of conflict of interest but an anomaly since PAGCOR being an operator of casinos is the one regulating itself. In effect, PAGCOR is competing with other casino operators in the country,” paliwanag ni Gatchalian.

Dapat, aniya, ay maging casino regulator lamang ang PAGCOR pero iitsapuwera na ang papel bilang operator.

Sa ganitong paraan ay matitiyak na magagampa­nan ang tungkulin na pisakin at kastiguhin ang dumami nang bilang ng mga casino operator.

“It’s about time that we also privatize PAGCOR and just let the Bureau of Internal Revenue (BIR) collect the taxes due to government and in this way, we are assured that the revenue from casinos and other forms of gaming go straight to the coffers,” pagpupunto pa ni Gatchalian.

 

Source: http://www.abante-tonite.com/issue/apr0216/news_story07.htm#.VwG8XUcRXDc

Advertisements