MANILA, Philippines – Inatasan ni Valenzuela Rep. Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na kumilos at asikasuhin ang mga pasilidad sa mga pampublikong paaralan.

Ito ay dahil sa karamihan umano ng mga paaralan sa bansa ay walang regular na mapagkukunan ng tubig at sira ang mga palikuran.

Giit ni Gatchalian, dapat ayusin na ng DepEd ang mga problema habang bakasyon ang mga estudyante para maayos na ang lahat pagbalik ng klase.

Dahil dito kaya binanatan ng kongresista ang hindi matapos-tapos na problema sa public schools gayung ang DepEd ang palaging may pinakamalaking parte sa taunang budget.

Mismong kay Education Sec. Armin Luistro umano nanggaling na mahigit 3,600 elementary at high schools ang walang source ng malinis na tubig at substandard ang mga palikuran.

Sabi pa ni Gatchalian, hindi katanggap-tanggap at parusa ang ganitong sitwasyon para sa libu-libong mga bata na nasa mga pampublikong eskwelahan sa bansa.

Pinuna din ng pambatong senador ng NPC ang poor planning ng DepEd sa pagpapatupad ng senior high school kasunod ng ulat noong nakaraang taon na kulang pa din sa elektrisidad at water supply ang maraming paaralan para sa grade 11 at grade 12 sa 2017.

Source: http://www.philstar.com:8080/bansa/2016/03/29/1567033/deped-binira-ni-gatchalian-sa-unsafe-na-tubig-sirang-toilets

 

Advertisements