Nagsimula na ang campaign para sa national elections noong Feb. 9, 2016, tatlong buwan din ang bubunuin ng ating mga candidate para mapakilala ang kanilang mga sarili at mailatag ang kanilang mga plataporma.

Pero isa lang naman ang katawan nila at bilang din ang mga staff. Sa mga ganitong pagkakataon pumapasok ang kahalagahan ng mga volunteer.

Ang volunteer as defined by Merriam-Webster Dictionary (noun) a person who does work without getting paid to do it. Sa ngayon, kailangang-kailangan ni Kuya Win Gatchalian ng mga volunteer na tutulong sa kanyang kampanya. Paano nga ba maging isang Kuya Win supporter?

1. Dapat ikaw ay of legal age, at least 18 years old na may maayos na kalusugan at pangangatawan.

2. Kung may trabaho ang isang nagbabalak mag-volunteer, kailangang hindi maaapektuhan ang kanyang trabaho sa pagtulong sa kampanya ni Kuya Win.

3. Maaaring magpasa ng application para maging volunteer sa Win Gatchalian for Senator Movement Central Office sa 332 McArthur Highway, Malinta, Valenzuela City. I-fill up lamang ang form na ibibigay sa headquarters.

4. Hintayin ang tawag mula sa central office kung kailan magsisimula ang pagtulong sa kampanya.

Matapos na ikaw ay maging isang full-pledged Kuya Win volunteer, kailangan mong tandaan ang iyong mga duties and responsibilities:

1. Pakikipag-usap sa mga miyembro ng pamilya, kaibigan, katrabaho, kaklase at iba pang tao tungkol sa kung sino si Win Gatchalian at kung bakit siya karapat-dapat maluklok sa Senado

2. Paninigurado na ang mga nagsabing boboto kay Kuya Win ay mga rehistradong botante at boboto sa May 9, 2016

3.  Magrecruit ng mga volunteer para sa inyong local campaign chapter

4. Pamimigay, pagdidikit ng campaign flyers, tarpaulins, at iba pang campaign collaterals, ayon sa directive ng Win Gatchalian for Senator Movement Central Office

5. Pag-post, comment at share ng mga content ng Win Gatchalian Facebook page, Twitter, Instagram, at iba pang social media platforms

6. Pagcheck ng mga campaign collaterals sa inyong lugar na nasasakupan sa request ng Win Gatchalian for Senator Movement Central Office

7. Iba pang logistical tasks na maaaring i-delegate sa iyo sa inyong chapter.

Ngayong alam mo na kung paano mag-volunteer at ano ang mga gagawin ng isang volunteer, handa ka na bang sumama sa kampanya ng ating Mr. Right sa Senado?

Advertisements