Simula na ang campaign period kung kaya noong Feb. 9, 2016 isinagawa ng Partido Galing at Puso (GP) ang kanilang campaign kickoff sa Plaza Miranda, Quiapo, Manila.

Bukod kay presidential candidate Grace Poe-Llmanzares at vice presidential candidate Chiz Escudero ng GP, isa sa mga dumalong senatorial candidate ay si Valenzuela City Congressman Win Gatchalian.

Napakarami ng tao kahit na 4:30 p.m. pa talaga ang simula program. Maraming supporters ang ibang kandidato pero syempre di magpapatalo ang mga Valenzuelano sa pagpapakita ng suporta sa ating “Mr. Right sa Senado” na si Kuya Win Gatchalian.

Limang bus ang nirentahan namin para suportahan si Cong. Win at mayroon ding mga dumiretso na sa Plaza Miranda, ganyan ang suportang Valenzuelano.

Kahit mainit at siksikan, balewala sa amin, basta nandoon kami para kay Cong. Win.

Nakakatuwa rin na binati kami ni Kuya Win ng siya na ang nagsalita sa stage. Nakakaproud talaga! Sigurado kaming malayo ang mararating niya dahil kahit mga simpleng supporters lamang kami, di niya kinakalimutan.

Napakasaya ng atmosphere sa Plaza Miranda noong Martes, mainit man at maraming tao,  ok lang dahil alam naming may patutunguhang maganda ang ginagawa naming pagsuporta sa aming senador.

Sa kanyang pagsasalita, inilatag ni Cong. Win ang kanyang plataporma: ang libreng college education. Aminin man natin o hindi, iba talaga kapag ang isang tao ay nakapagtapos ng kolehiyo mas maraming oportunidad ang naibibigay sa kanya, kaya sana maisabatas na talaga ang HB 5905 para ang lahat ng kabataan ay magkaroon ng pagkakataon na maiangat ang kanilang pamumuhay.

Sa ganitong paraan, unti-unti ng maitataas ang kalidad ng pamumuhay ng bansa.

Umpisa palang ng kampanya halos tatlong buwan din ito at di kami magsasawa na tumulong na ipakilala si Kuya Win sa mga botanteng Filipino para maiupo natin siya sa Senado.

Lahat ay aming gagawin para sa aming Mr. Right! Go Kuya Win, let’s win in the May 9, 2016 elections!

Advertisements