Ngayong kakasimula pa lamang ng 2016, ano kaya ang top 3 wishes ng mga Valenzuelano para kay Congressman Win Gatchalian?

1. Makita ang kanyang lady love

– ‘Di kaila sa mga Valenzuelano na wala pang asawa si Kuya Win Gatchalian kung kaya’t karamihan ng mga tao ay gustong makapag-asawa na ang kanilang Congressman. Alam nating kailangan rin niya ng mag-aalaga sa kanya, it’s time to settle po!

2. Magkaanak

– Bukod sa pag-aasawa syempre pa gusto rin ng mga Valenzuelano na magkaroon ng little Sherwin. Kitang-kita rin naman na mahilig sa bata si Cong. Win dahil sa tuwing iikot ito at makakakita ng bata ay paniguradong hihinto ito at lalaruin ang mga chikiting. Gaano kaya ka-cute ang magiging babies niya?

3. Manalo at maging senador

– Matapos ang nine years ng paging mayor at dalawang termino bilang congressman, naniniwala kaming handang-handa na si Kuya Win na maging senador. Magiging proud kaming mga Valenzuelano kung magkakaroon ng senador na galing sa Valenzuela City. Bukod sa tried and tested na namin si Cong. Win sigurado namin na makakapaglingkod pa siya sa mas maraming tao kapag nasa Senado na siya.

Advertisements