Nitong nakaraang Jan. 7, 2016 naaanyayahan si Kuya Win Gatchalian sa DZMM para kapanayamin ni Alvin Elchico tungkol sa kanyang pagtakbo sa senado sa Mayo 2016.

Kasabay niya sa nasabing interview ang dating secretary ng TESDA na si Joel Villanueva. Sa loob ng 30 minuto, sinagot ni Kuya Win ang mga tanong ni Elchico ng walang kagatol-gatol.

Ilan sa mga topic ay tungkol sa plataporma ni Congressman Win, kanyang opinyon sa population problem ng bansa, LGBT community, traffic, at Bangsamoro Basic Law (BBL).

Isa sa mga tumatak sa akin ay ang sagot ni Kuya Win patungkol sa traffic, “Hanapan ng solusyon ang problema bago pa man ito mag-umpisa.” Tama nga naman, dahil sa ang nangyayari ngayon, kung kailan nandyan na ang problema tsaka pa lamang humahanap ng solusyon kaya ang ending, nagiging trial and error ang approach kaya wala rin nasosolusyunan.

Dahil sa ito ay naka-simulcast sa cable TV nakita ko ang pagiging confident ni Kuya Win sa pagsagot ng mga tanong.

Positibo ako na di lang papogi ang ginawa ni Congressman Win kundi ininform niya ang mga botanteng Filipino kung bakit siya karapat-dapat mahalal bilang senador ng ating bansa.

Go Kuya Win! Nandito lang kami sa likod mo para tulungan at suportahan ka. Ipagpatuloy mo ang naumpisahan nating pagbabago sa Valenzuela City sa buong Pilipinas.

Advertisements