11222623_524543314368379_7818349635739111813_n

 

Isa si Valenzuela City Congressman Win Gatchalian sa mga napipisil ng mga Pilipino na maging isa sa mga Senador sa darating na 2016.

Kasama kasi si Kuya Win sa top 12 ranking ng mga maaring ihalal sa Senado sa 2016 ayon sa pinaka-latest na survey ng Pulse Asia.

Ginawa ang nasabing Pulse Asia survey mula December 4 hanggang 11 kung saan nasa 1,200 katao ang nakilahok.

Tinanong sila kung sino ang kanilang iboboto at kung sino ang kanilang kilala sa mga kumakandidatong senador.

Gatchalian in the top 12 in the latest Pulse Asia Survey

Lumabas sa survey na 83% sa mga tinanong ay kilala si Kuya Win at nasa 36% ang gustong iboto siya.

Umangat siya ng apat na pwesto kumpara sa Pulse Asia Survey noong Nobyembre kung saan siya ay nasa ika-16 na may 63-22% awareness-voting ratio.

Kung ikukumpara sa ibang kumakandidato, mataas na ang kanyang 83-36% awareness-voting ratio. Subalit kaya pa natin itong pataasin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga adhikain at mga nagawa ni Kuya Win.

Magsimula tayo sa ating mismong pamilya at kamag-anak. Isunod natin ang ating kaibigan at mga kakilala. Maliit na bagay man ito para sa atin ay tiyak na malaking bagay ito para sa kandidatura ni Kuya Win.

May mga kilala kasi ako na napapagkamalan siyang kongresista ng Navotas o Mandaluyong. Ayaw naman po naman na pagpatuloy ito, hindi ba?

Dapat malaman ng bawat Pilipino ang kanyang mga ipinaglalaban, mga nagawa sa Valenzuela City at mga magagawa pa para sa ating bansa kung siya man ang mahahalal bilang Senador.

Bilang isa sa kanyang tagasuporta, tiwala ako na kaya niyang ipaglaban pa ng husto sa Senado ang mga panukalang reporma at programa na kanyang inilatag sa Kongreso.

Isipin mo nalang kung gaano karaming klasrum ang maipapatayo at ilang bata ang makakapag-aral ng libre, gaya ng sa Valenzuela City, kung ang mga kagaya ni Kuya Win ang pagkakatiwalaan natin na mamahala sa gobyerno.

Naniniwala din ako na makakatulong sa trapiko at pagsugpo ng krimen ang kanyang mga panukalang batas, gaya ng Proof of Parking Act at CCTV Cameras for Crime Prevention Act.

Tiyak na bayan ang panalo kung si Win ay nasa Senado.

Advertisements