Hayag man sa lahat ang mga mabuting nagawa ni Win Gatchalian sa lungsod ng Valenzuela, kakaunti pa rin ang tunay na nakakaalam ng kanyang personal na buhay.

Kaya hayaan mong ikwento ko ang ilang mga bagay na nalalaman ko tungkol sa kanya.

 

1. Kilala si Win Gatchalian bilang isa sa mga naging pinakabatang miyembro ng Kongreso noong nahalal siya bilang kinatawan ng unang distrito ng Valenzuela City noong 2001 sa edad na 27.

Fast color scan to a PDF file_1417

 

 

20100629_ValenzuelaGovtOathtaking_212

2.  Sa 15 taong niyang karanasan sa pulitika, ni minsan ay hindi pa siya lumipat ng partido.

Mula noong hanggang ngayon, miyembro pa rin siya ng Nationalist People’s Coalition (NPC) .

 

 

3.  Pero alam mo ba na hindi kongresista kundi basketbolista ang gustong maging career ni Kuya Win noong bata pa siya?

basketball player_1 Win Gatchalian

4. Pagbibisikleta naman ang pangunahing uri niya ng ehersisyo dati.

gg1

Ngunit ngayon, mas type niya ang pagtakbo.

5. Hobby din dati ni Kuya Win na kumuha ng mga litrato noong kabataan niya kaya naman naranasan niyang magtipid ng husto para makabili ng camera at film.

6. Paborito rin ni Win Gatchalian ang fishball at iba pang pagkaing tusok-tusok sa kalsada.

11411924_803343903114439_5216814614793966692_o

Ito raw ang karaniwan niyang merienda tuwing lumalabas siya kasama ng kanyang mga kalaro noong bata pa siya.

7. Mahilig din siya sa kapeng barako at kaya niyang makaubos ng mahigit na tatlong tasa nito kada araw.

20141201_STG_GLC_000090

8. Pagdating naman sa kantahan, paboritong tugtugin ni Kuya Win ang “Salamat” ng bandang The Dawn. Gusto din niya i-sing along ang kantang “Glory of Love” ni Peter Cetera.

12004888_841093659339463_5621214599487469309_n

9. Lumaki ding masipag si Win Gatchalian. Imbis din na tumambay sa bahay nila tuwing bakasyon, trabaho ang inaatupag dati ni Kuya Win noong high school siya upang magkaroon ng karanasan at makatulong sa mga negosyo ng kanyang mga magulang.

Naranasan na niya maging mensahero, runner, kargador, tiga-repack ng mga bote sa factory, at iba pa.

Fast color scan to a PDF file_971

10. Matapos niyang makapagtapos ng kolehiyo, nahasa ang kanyang galing sa pamamahala nang magtrabaho siya bilang top executive ng iba’t ibang kumpanya sa Pilipinas.

Sa katunayan, naging vice chairman siya ng Waterfront Philippines noong 1999 – 2001 at Director ng Air Philippines, na ngayo’y Philippine Airlines, noong 1998 – 1999.

 

20150521_STG_GLC_000114

11. Bukod sa kanyang trabaho bilang lingkod-bayan, miyembro din siya ng ilang civic at humanitarian organization na nagsusulong ng kanyang mga adhikain.

Sa ngayon, siya ang Chairman ng Boy Scout of the Philippines sa National Capital Region. Isa din siya sa mga governor ng Philippine Red Cross at director ng Synergeia Foundation Inc.

 

Untitled12. Sa edad na 41, nanatiling pa rin single at binata si Congressman Win Gatchalian.

Sa isang panayam, sinabi niya na malaking kasiyahan kung darating man sa kanya ang tunay na pag-ibig pero sa ngayon ay focus muna daw siya sa trabaho at serbisyo publiko.

 

13. Sa katunayan, hinirang siya bilang isa sa Top 100 Eligible Bachelor ng kilalang Philippine Tatler Magazine noong 2013.

 

14.  Ito ang dahilan kung bakit mahigit 15 taon na siyang nakikisaya at nakikisayaw sa sayawan calle tuwing may pista ng San Roque.

Kilala si San Roque sa Valenzuela City bilang patron ng mga walang asawa. Kaya naman maraming binata at dalaga ang lumalapit sa kanya upang humingi ng gabay kung paano nila makakamtan ang tunay pag-ibig.

 

Photos from Win Gatchalian – Facebook Page / Win Gatchalian – Flickr

Advertisements