1) Edukado

World-class ang natangap na edukasyon ni Win Gatchalian dahil nakapagtapos siya ng kursong Bachelor of Science Major in Finance and Operations Management noong 1995 sa prestihiyosong Boston University.

Nagkaroon din siya ng pagkakataon na makapag-aral sa Advance Language Course ng Beijing Language and Culture University noong S.Y. 1995-1996, at sa Advance Corporate Finance sa Euromoney Instute of Finance noong 1997.

 

2) May Karanasan

 

Pagbisita ni Win sa Disiplina Village sa Valenzuela City na pinakaunang resettlement at in-city relocation site sa Pilipinas.
Bumisita si Win sa Disiplina Village sa Valenzuela City na pinakaunang resettlement at in-city relocation site sa Pilipinas.

Kung karanasan lang ang pag-uusapan, tiyak na kwalikado si Win Gatchalian sa Senado sa kanyang 15 na taong serbisyo publiko.

Sa edad na 27, namulat siya sa paglilingkod nang nahalal si Kuya Win bilang kongresista sa unang distrito ng Valenzuela City mula 2001 hanggang 2004 at naging isa sa mga pinakabatang kongresista.

Nakita ng tao ang kanyang galing kaya ibinoto siya ng tatlong magkakasunod na termino bilang mayor ng Valenzuela City mula 2004 hanggang 2013. Sa ngayon, nagbabalik siya bilang kinatawan ng unang distrito ng lungsod.

 

3) Hindi Kurap at may Malinis na record

 

Sa 15 taong serbisyo publiko, ni minsan hindi pa nakulong o napatunayang na nagnakaw sa kaban ng bayan si Congressman Win Gatchalian.

Malinis ang kanyang track record at walang bahid ng kahit anong insidente ng katiwalian o kurapsyon ang kanyang mabuting pangalan.

Bagamat maraming naninira sa kanya, nanatiling siyang tapat sa tungkulin at may takot sa Diyos.

Sa katunayan, siya ang nagtatag ng Ethics Board sa lokal na pamahalaan ng Valenzuela City kung saan mahigit 135 kasong administratibo at katiwalian ang kanyang natugunan mula 2005 hanggang 2012 at 43 indibidwal na sangkot sa mga kasong ito ang kanyang sinibak sa pwesto.

 

4) Bukas sa Pagbabago

 

Easy steps in registering property and Issuance of permits.
Ang Geographical Information System (GIS) sa lungsod ng Valenzuela kung saan via satellite malalaman kung saan hindi na kailangan ng human intervention para malaman ang real property tax.

Sa mabilis na pag-usad ng mundo, dapat inobatibo at parating handa sa pagbabago ang isang lider upang madali niyang magamit ang makabagong teknolohiya bilang kasangkapan sa serbisyo publiko.

Isa ito sa mga natatanging katangian ni Win Gatchalian. Siya ang nagtulak na maging computerized ang mga transaksyon sa mga pampublikong opisina sa lungsod ng Valenzuela bilang parte ng kanyang anti-corruption platform na “Simple Speed Service Excellence” o 3S in Public Service program.

Sa ngayon, isa siya sa mga lingkod-bayan na nagtutulak na magkaroon sa Metro Manila ng Bus Rapid Transit System. Sa kanya din nangaling ang ideya na magkaroon tayo ng national database for public school records at ng National Crime Information System (NCIS).

 

5) Pinag-aaralang mabuti ang inihahaing programa at panukalang batas

 

Inimbitahan si Win upang ibahagi ang kanyang mga programa at karanasan sa pamamahala sa ika-23 Metro Manila Business Conference noong ika-31 ng Hulyo 2015.

Kung babasahin mo ang mga panukalang batas ni Kuya Win, makikita mo na maayos niyang ipinapaliwanag ang kanyang intensyon at mapapansin mo talaga na masusi niyang pinag-aralan ang kanyang mga ipinapanukala.

Bukod sa personal na karanasan, estadistika at konsultasyon sa iba’t ibang sektor ng lipunan ang kanyang puhunan at basehan sa paghahain ng mga reporma at pagpapatupad ng mga programa.

 

6) Hindi takot ipaglaban ang tama

 

 

Makailang ulit na lumalabas sa balita si Win Gatchalian dahil sa kanyang pambabatikos sa kamalian o maling pamamalakad ng ilang ahensya ng pamahalaan.

Kabilang na dito ang kanyang panawagan na sibakin sa pwesto ang lider sa harap ng mga insidente ng tanim-bala na di umano’y bumibiktima ng mga OFW at turista.

Kahit ang Pangulong Aquino ay makailang ulit niyang binatikos dahil sa kawalan ng aksyon upang resolbahin ang problema ng trapik sa kalakhang Maynila.

Ito ang patunay na handa siyang manindigan sa tama kahit pa mga tao sa mas nakakataas na katungkulan ang kanyang makakabanga.

 

7) Tapat sa Partido

20100629_ValenzuelaGovtOathtaking_222

Labin-limang taon ng miyembro si Kuya Win ng Nationalist People’s Coalition (NPC) magmula nang pumasok siya sa serbisyo publiko.

Bukod tangi ang ganitong katapatan sa partido sa pulitika sa ating bansa kung saan parang damit lang na pinapalitan ng ilang nasa katunglukan ang kanilang mga kaalyado.

Isipin mo nalang: kung ang isang pulitiko ay hindi tapat sa kanyang partidong kinabibilangan, paano nalang kaya sa taong-bayan?

 

8) Malayo pa ang mararating

 

Dubbed the "Oscars of Development," the Devex Manila 40 Under 40 International Development Leaders has been announced, Feb. 19, 2013 at the Sky Garden of Zuellig Building in Makati City. Organized by Development Executive Group (Devex), a global network of aid and development professionals and energy firm Chevron, the list recognizes "the young, reform-minded, and spirited leaders... who are making a major development impact by catalyzing change both at home and abroad." Joining the mix of Filipino and Manila-based expat leaders are two elected officials, Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian and Saranggani Gov. Sarangani Gov. Miguel Rene Dominguez.
Kinilala si Win bilang isa sa mga progresibong lider ng Devex Manila 40 Under 40 International Development Leaders noong Pebrero 2013.

Sa edad na 41, napatunayan na ni Win Gatchalian na isa siyang pinuno na may sapat ang kakayahan at integridad sa kanyang 15 taong pamumuno kung saan talagang na bago niya ang lungsod ng Valenzuela.

Kaya naman kung ang mga katulad niya ang bibigyan natin ng pagkakataon na maglingkod sa buong bansa, tiyak na marami pa tayong kababayan na makikinabang sa kanyang pamumuno.

 

Advertisements