Kung mayroon mang sinusunod na motto si Congressman Win Gatchalian, ito ay ang pagtulong sa mga nangangailangan.

Sa kanyang panunungkulan bilang kinatawan ng Kongreso noong unang sabak niya sa politika noong 2001, nakita niya ang mga dapat baguhin sa sistema at kung anong tulong pa ang maaaring maibigay niya sa kanyang mga nasasakupan.

Napabuti at napaganda niya ang lungsod ng Valenzuela sa loob ng siyam na taong panunungkulan bilang alkalde mula 2004 hanggang 2013. Sa kanyang muling pagsabak sa Kongreso noong 2013, lalo pang pinagtibay ni Win Gatchalian ang kanyang mga programa.

WIN Tayo sa Kalusugan

Kalusugan2

Bukod sa regular na pagsasagawa ng mga medical screening at medical mission, nakipag-partner din si Win Gatchalian sa ilang mga ospital upang lalong makatulong sa mga Valenzuelanong may sakit. Ang ilan dito ay ang Philippine Band of Mercy (PBM), Veterans Memorial Medical Center (VMMC), Manila Doctors Hospital (MDH). Dito ipinapagamot ang mga pasyenteng may bingot (cleft lip/palate), club foot, katarata, goiter, myoma, atbp. Bukod sa libreng serbisyong medikal, sinisigurado rin ni Kuya Win na hindi na mahihirapan ang mga pasyente dahil ibinibigay ng kanyang opisina ang pangkain nila at sinusundo at hatid din sila sa ospital.

WIN Tayo sa Edukasyon

Edukasyon_CN

Hindi lamang basta scholarship grants ang ibinibigay ni Kuya Win sa mga poor but deserving students na lungsod, kundi inspirasyon. Inspirasyon na pagbutihin ang kanilang pag-aaral dahil hindi lahat ay may oportunidad na mapabuti ang buhay at makatulong sa mga nangangailangan. Sa kasalukuyan umabot na sa 2,573 college students ang natulungan ng Congressional Scholarship simula ng manungkulang bilang kongresista si Win Gatchalian. Ang ilan sa mga natulungan niya ay si Rommel Apostol na isa na ngayong professor sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV) at si Ma. Clara Cabuang na isa ng Certified Public Accountant (CPA).

WIN Tayo sa Kalinga

Kalinga_LegalAid_CN

Pagkalinga o pagbibigay tulong na may puso. Hindi makakailang maraming proyekto si Kuya Win para sa mga Valenzuelano ngunit hindi ito nakapigil sa kanya upang lalo pang palawigin ang kanyang pagtulong. Sa kasalukuyan, tinutulungan rin niya ang mga inmate sa Valenzuela City Jail upang mapabilis ang ikot ng kanilang kaso dahil napag-alaman niya na mayroong mga inmate na sobra-sobra na ang nai-serve na sentensiya para sa kanilang mga kaso ngunit nakakulong pa rin. Sinimulan ang Legal Aid noong July 2014 sa pakikipagtulungan ng Integrated Bar of the Philippines-Bulacan Chapter, Valenzuela City Jail at Valenzuela Regional Trial Court. Bukod sa city jail, tumutulong din ang nasabing programa sa mga juvenile delinquent na nakatira sa Bahay Pag-asa.

WIN Tayo sa Kabuhayan

Kabuhayan2_CN

Pagkakakitaan na makakatulong ng pangmatagalan, ito ang tinarget ni Win Gatchalian ng kanyang isulong ang proyekto para sa kabuhayan. Ang ilan dito ay ang Angat Kabuhayan kung saan halos 50 na small and medium business owner ang natulungan para masimulan at maipagpatuloy ang kanilang mga negosyo. Bukod sa Angat Kabuhayan, nagsagawa rin ng mga livelihood training program tulad ng d’yario bag at rag making na makakatulong sa mga kababaihan lalo na ang mga ina na magkaroon ng extrang kita kahit nasa bahay lamang. Isinagawa rin ang Luntiang Kabuhayan, isang urban farming contest kung saan bukod sa dagdag na pagkakakitaan, isa rin itong paalala sa mga Valenzuelano na maaari pa ring magtanim sa lungsod dahil maganda ang lupa dito.

Lingkod OFW

OFW_CN

Marami tayong kababayan na nangingibang-bansa upang makapagtrabaho at kumita ng mas malaki ng masuportahan ang pangangailangan ng pamilya. Ngunit hindi lahat ng nagbabakasali sa ibang bansa ay nagtatagumpay. Kung kaya’t sinimulan ni Kuya Win ang Lingkod OFW kung saan tinutulungang makabalik sa bansa ang mga OFW na minamaltrato ng kanilang mga amo. Bukod sa repatriation, tinutulungan rin ni Win Gatchalian na makuha ng mga OFW ang kanilang karampatang benepisyo mula sa kanilang mga agency at employer. Sa kasalukuyan mahigit 30 OFW na ang naibalik sa bansa ng programa at patuloy pa rin ang pagtulong sa mga tinaguriang bagong bayani.

Pabahay

Pabahay_PRF

Isa sa mga basic needs ng tao ang bahay at hindi naman lingid sa kaalaman ni Win Gatchalian na hindi lahat ng tao ay may kakayahang bumili ng sarili nilang bahay at lupa. Dahil dito, kanyang tinutulungan ang mga homeowners association sa kanilang mga problema kaugnay sa pagmamay-ari ng lupang kinatitirikan ng kanilang mga tahanan. Sinisigurado niya na hindi madedehado ang mga residente at magiging patas naman sa mga may-ari ng lupa ang kanyang gagawing aksyon. Isa sa mga natulungan ni Kuya Win ay ang residente ng De Gula Compound. Sa kasalukuyan, isinasaayos na ng mga nasabing residente ang kanilang lugar upang  mabura na ang dating di magandang bansag sa kanilang lugar.

Ito ang mga programang pang-distrito ni Win Gatchalian na malaki ang naitulong sa Valenzuela City. Ano pa ba ang magagawa niya kung siya ay mabibigyan ng pagkakataong maging senador ng ating bansa?

—-

Salamat po sa District Office staff ni Congressman Win Gatchalian sa pagbibigay ng impormasyon at photos para sa blog post na ito.

Advertisements